Mai-aakyat na sa plenaryo ng Kamara ang panukala na layong gawing abot kaya ang electric vehicles at bawasan ang greenhouse gas emission sa bansa.
Sa ilalim ng House Bill 10960, aamyendahan ang Electric Vehicle Industry Development Act upang linawin na ang electric vehicles (EV) ay maaaring two-wheeled, three-wheeled, o four-wheeled vehicle o katulad na sasakyan na mayroong electric drive para umandar ang sasakyan.
Hindi na rin papatawan ng buwis ang imported na electric vehicle sa loob ng 5 taon mula nang pagtibayin ito bilang batas.
“The importation of completely built units of EVs shall be subject to a tariff rate of zero percent (0%) for a period of five years from the date of the effectivity of this Act,” sabi sa panukala.
Dadaan naman sa evaluation any importasyon ng capital equipment at mga component sa paggawa o pag-assemble ng EV at pagtatayo ng mga charging station ay upang matukoy kung kasama ito sa strategic investment priority plan.
Kung sakali, magiging eligible ito mabigyan ng tax incentive alinsunod sa Omnibus Investments Code. | ulat ni Kathleen Forbes