Nag-isyu na ng Show Cause Order ang Land Transportation Office (LTO) laban sa may-ari ng Sports Utility Vehicle (SUV) na iligal na nag U-turn sa EDSA-Aurora Underpass na nag-viral sa social media.
Ayon kay LTO Chief Vigor Mendoza II, naging iresponsable ang driver ng Hyundai Tucson na may Plate No. ZMM-842 dahil bukod sa iligal ang pag U-turn sa lugar nagdulot ito ng panganib sa buhay ng ibang motorista.
Mismong si MMDA Chairman Ron Artes ang naghain ng reklamo sa LTO laban sa driver ng sasakyan.
Pinalulutang ang may-ari ng sasakyan at driver nito sa LTO Central Office sa Oktubre 14 para magpaliwanag sa insidente.
Sa ngayon ay nakaalarma na rin ang nabanggit na sasakyan habang iniimbestigahan ang kaso.| ulat ni Rey Ferrer