Tiniyak ni Philippine Navy Flag Officer in Command Vice Admiral Toribio Adaci Jr. ang tulong ng Philippine Navy sa paghahatid ng daan-daang persons deprived of liberty (PDL) sa Iwahig Prison and Penal Farm (IPPF) sa Palawan.
Ang pagtiyak ay binigay ni VAdm. Adaci kay Corrections (BuCor) Director General Gregorio Catapang Jr. sa pagbisita nito sa Philippine Navy Headquarters kahapon.
Ito’y matapos talakayin ng dalawang opisyal ang plano ni Catapang na magtatag ng agro-aqua industrial food production hub sa IPPF sa pamamagitan ng paglipat ng mga naturang preso mula na National Bilibid Prison.
Sa pamamagitan nito ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga PDL na maging aktibo sa agrikultura at environmental Protection.
Nagpasalamat naman si Catapang sa suporta ni VAdm. Adaci kasabay ng pagbati sa Philippine Navy sa kanilang pagdiriwang ng ika-125 anibersaryo ngayong buwan. | ulat ni Leo Sarne
:S1PH Sherwin D Donato PN