Rose Nono Lin, maaaring ipa-contempt na rin ng Kamara kung patuloy na di sisipot sa pagdinig ng QuadComm

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagbabala si House Quad Committee Co-Chair Benny Abante kay Rose Nono Lin, na kung hindi pa ito haharap sa komite ay maaari na siyang ipa-contempt.

Ito ang tugon ng mambabatas matapos malaman na nagawang mag-file ng Certificate of Candidacy ni Lin sa pagka-kongresista sa 5th District ng Quezon City, pero hindi naman humaharap sa pagdinig ng komite.

Kasama si Lin sa mga incorporator ng ilan sa mga kompanya na konektado sa POGO na pagmamay-ari ng kanyang sinasabing asawa na si Allan Lim.

Una na rin silang idinawit sa Pharmally scandal.

Sa ngayon ay may Show Cause Order na si Lin para dumalo sa pagdinig ng Quad Committee na nag-iimbestiga sa koneksyon ng POGO, iligal na droga, at EJK. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us