Pinaiimbestigahan na ng Department of the Interior and Local Government sa Bureau of Fire Protection ang pagguho ng ilang bahay sa tabi ng creek sa Recto, Manila dakong hatinggabi ng Huwebes.
Nais malaman ni DILG Secretary Benhur Abalos Jr. ang sanhi ng pagguho at magbigay ng kaukulang rekomendasyon sa pamahalaan para maiwasan na ang parehong insidente.
Base sa inisyal na ulat ng Manila Disaster Risk Reduction and Management Office,
nangyari ang pagguho ng mga bahay sa Barangay 294 sa Alvarado St., matapos mabagsakan ng isang puno .
Siyam ang napaulat na nasaktan habang tatlo naman ang binawian ng buhay sa nangyaring insidente.
Kasama sa nasawi ang isang dalawang taong gulang na bata. | ulat ni Rey Ferrer