Inilunsad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang one-stop shop website para sa financial inclusion na naglalayong i-promote ito bilang National Development Agenda.
Sinabi ni BSP Governor Eli Remolona, ang pagsisikap na ipaalam sa publiko ang National Strategy for Financial Inclusion (NSFI) sa pamamagitan ng website ay para ma-inspire ang maraming Pilipino sa pagtahak ng bansa sa inclusive finances at financial health.
Nagpahayag din ng pagsuporta si Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy, sa pamamagitan ng consistent collaboration ng dalawang ahensya na makamit ang hangaring access para sa mga Pilipino para sa pag-unlad.
And NSFI ay isang website na naglalaman ng mga pinakahuling regulasyon, issuance at inisyatiba mula sa mga ahensya na kasapi ng Financial Inclusion Steering Committee (FISC).
Kasama rin sa newsroom ang testimonya at kwento ng mga Pilipino na nagtagumpay sa kanilang mga negosyo. | ulat ni Melany Valdoz Reyes