1,500 bags ng murang bigas, muling ibebenta sa NIA ngayong Biyernes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mahaba na naman ang pila sa tanggapan ng National Irrigation Administration (NIA) sa muling pag-arangkada ngayon ng Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice.

Ayon sa NIA, nasa 1,500 bags ng ₱29 per kilo ng bigas ang nakatakda nitong ibenta ngayong Biyernes.

Bunga pa rin ito ng Rice Contract Farming Program ng ahensya kung saan tinutulungan ang mga magsasaka na mapababa ang kanilang production costs.

Mag-uumpisa nang alas-8 ng umaga ang bentahan ng bigas sa NIA Central Office Covered Court, EDSA, Diliman, Quezon City.

Kailangan lamang dalhin ang ID para sa mga senior citizen, solo parents, PWDs, at 4Ps beneficiaries na maaaring bumili ng isang bag ng BBM Rice. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us