Pangungunahan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Francisco Tiu Laurel ang pagbubukas sa bagong Kadiwa ng Pangulo site sa Mandaluyong City ngayong araw.
Ayon sa DA, partikular na iinspeksyunin ng kalihim ang Barangay Hall ng Brgy. Daang Bakal sa nasabing lungsod na kabilang sa 20 Kadiwa site na sabay-sabay ding magbubukas.
Dito, makabibili ang ating mga kababayan ng murang bigas na nagkakahalaga ng ₱43 ang kada kilo sa ilalim ng Rice-for-All program at ang ₱29 kada kilo ng bigas para sa mga nasa vulnerable sector.
Maliban sa Brgy. Daang Bakal, bubuksan din ang Kadiwa site sa Brgy. Hulo at Brgy. Addition Hills sa Mandaluyong.
Gayundin sa BFCT Bagsakan sa may Marcos Highway, Brgy. Tañong, Brgy. Fortune, at Brgy. Concepcion Uno sa Marikina City.
Gayundin sa Marietta Romeo Village sa Brgy. Sta. Lucia sa Pasig City. | ulat ni Jaymark Dagala