Tumaas ang naobserbahang gas output o ang ibinubugang asupre (sulfur dioxide) sa Kanlaon Volcano sa nakalipas na 24-oras.
Batay sa monitoring ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), umakyat sa 5,150 tonelada ang sulfur dioxide (SO2) gas na ibinuga ng bulkan.
Ayon sa PHIVOLCS, tuloy-tuloy sa pagbuga ng mataas na concentration ng SO2 ang Kanlaon Volcano na umaabot sa 4,185 tonelada kada araw mula nang pumutok ito noong Hunyo.
Bukod dito, nagkaroon din ng 19 na volcanic earthquakes o mga pagyanig sa bulkan at malakas na pagsingaw na umabot sa 750 metro ang taas.
Sa kasalukuyan, nananatili pa rin sa Alert Level 2 ang Bulkang Kanlaon. | ulat ni Merry Ann Bastasa