VP Sara, nagpasalamat sa Australian gov’t sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga manggagawa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bumisita ang senador mula sa South Australia at Minister ng Foreign Affairs na si Penny Wong sa tanggapan ni Vice President Sara Duterte.

Dito ay tinalakay ang kahalagahan ng edukasyon para sa personal na pag-unlad ng isang indibidwal at ang papel nito sa pagtataguyod ng matatag na bansa.

Nagpasalamat din si VP Sara sa Australian government dahil sa suporta nito sa pagpapalakas ng kapasidad ng mga manggagawa.

Bilang dating alkalde ng Davao City ay 20 ang napagtapos sa pag-aaral ng Philippines-Australia Human Resource and Organizational Development Facility.

Ito ay sa ilalim ng Australian Agency for International Development.

Dagdag pa ni VP Sara, napag-usapan nila ni Ambassador Wong ang kahalagahan ng kababaihan sa usapin ng kaunlaran. | ulat ni Hajji Kaamiño

📷:OVP

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us