Nagapasalamat ang entertainment industry kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at kay House Speaker Martin Romualdez sa kanilang suporta at tulong sa creative workers.
Ito ang unang pagkakataon na inilunsad ang Bagong Pilipinas Serbisyo Serbisyo Fair “Paglinang para sa Industriya ng Paglikha” kung saan prayoridad ang mga creative workers.
Sa loob ng dalawang araw tinatayang nasa 15,000 mga cinema workers ang nakatanggap ang iba’t ibang serbisyo at benepisyo mula sa pamahalaan.
Ayon sa batikang Director at Film Development Council of the Philippines (FDCP) Chief Jose Javier Reyes, ang BPSF ay patunay ng pagbibigay halaga ng gobyerno at ng Kamara sa industriya.
Sinabi naman ni multi-awarded actress Boots Anson Roa na ang Serbisyo Fair ay hindi lamang para sa assistance, bagkus layong patatagin ang mga komunidad sa industriya at itaas ang buhay ng mga cinema workers.
Umaasa si Speaker Romualdez na ang inilunsad na inisyatiba ay magbibigay daan para sa long-term benefits ng creative industry. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes