Pormal nang ilulunsad bukas ng Department of Agrarian Reform ang apat na araw na Agraryo Trade Fair, mula Oktubre 15 hanggang 18.
Ayon kay DAR Undersecretary for Support Services Rowena Niña Taduran, ang aktibidad ay bahagi rin ng pagdiriwang ng International Rural Women’s Day at Rural Women’s Month.
Tema ng trade fair ang, “Kababaihan sa Kanayunan: Kabalikat sa Repormang Agraryo para sa Maunlad at Matatag na Bagong Pilipinas.”
Tampok dito ang makukulay na booth na magpapakita ng iba’t ibang food at non-food products na kumakatawan sa labinlimang (15) rehiyon ng DAR.
Magsisilbi din itong platform para sa mas malawak na exposure ng mga produkto sa mga potential customer at buyers.
Ang nasabing event ay magbibigay ng pagkakataon upang magtatag ng mga network para sa pakikipagsosyo sa iba pang mga ARB, ARBO at pribadong sektor na may kinalaman sa mga negosyo.
Ang Agrarian Trade Fair ay pinamumunuan ng Bureau of Agrarian Reform Beneficiaries Development (BARBD) sa ilalim ng Office of the DAR Undersecretary for Support Services.| ulat ni Rey Ferrer