Nanawagan ang sikat na actor at head ng Actor Ph sa gobyerno na gawing accessible ang mga serbisyo ng pamahalaan sa mga creative workers.
Ginawa ni Dantes pahayag sa ginanap na Bagong Pilipinas Serbisyo Fair for creative industry, nagpasalamat din ito na gobyerno at mga miyembro ng Kamara partikular kay House Speaker Martin Romualdez na ipinagkaloob nila ang ganitong proyekto sa mga alagad ng sining.
Aniya, bihira ang ganitong pagkakataon na nagkakatipon-tipon ang mga nasa industriya sa hangaring mas lalo pang palaguin ang kanilang sektor.
Ayon sa aktor mula sa mga pagsubok na kanilang kinaharap, unti-unti nilang nararamdaman ang pagsisikap ng lahat ng stakeholders na makabawi at palaguin ang kanilang industriya.
Hinimok din nito ang mga kasamahan na patuloy na magkaisa.
Sa isinagawang BPSF, nasa P75 million ang ipinamahaging comprehensive support initiatives para sa umaabot na 15,000 members ng creative industry.| ulat ni Melany V. Reyes