Surface to air missile system ng Phil. Navy, magpapalakas pa sa defense capability ng bansa — Pangulong Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tiwala si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na palalakasin pa ng bagong surface-to-air missile system ng Philippine Navy (PN) ang warfare capabilities nito.

Sa pag saksi ng pangulo sa capability demonstration ng Mistral 3 sa San Antonio, Zambales, pinapurihan nito ang effort ng Philippine Navy sa patuloy na paggampan sa kanilang mandato.

“I am very happy to be able to join the brave men and women of our Philippine Navy on this important day as we conduct our test fire, our country’s first surface-to-air missile system, the Mistral 3, and the other weapon systems that we have seen demonstrated here this morning,” — Pangulong Marcos Jr.

Sabi ng pangulo, dahil sa kasalukuyang sitwasyon sa rehiyon, dapat lamang na equipped at sanay ang Armed Forces of the Philippines (AFP), at laging handa na tumugon sa anomang pangangailangan ng bansa.

“With the fluid security situation in our region, it is imperative that the Armed Forces of the Philippines and of course the Navy is substantially equipped, trained, and always on alert to respond to any and all exigencies that may confront our nation. It is for this prime reason that we exert a continuous effort to strengthen the capacity of our Armed Forces,” — Pangulong Marcos.

Kaugnay nito, hinikayat ng pangulo ang Philippine Navy na ipagpatuloy ang magandang trabaho, na aniya’y nakaangkla sa national interes ng mga Pilipino.

“I urge the entire rank of the Philippine Navy to keep up the good work continually guided by the national interest and the democratic ideals of the Republic of the Philippines.” — Pangulong Marcos Jr. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us