Mahigit P600,000 na halaga ng mga smuggled na produktong petrolyo na iligal na ipinasok sa bansa ang nasabat sa dalawang operasyon ng PNP Maritime Group sa Tawi-Tawi.
Batay sa ulat, ang mga smuggled na langis ay sakay ng dalawang motor banca na natuklasan sa operasyon ay walang kaukulang papeles. Ito ay paglabag sa Republic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act.
Arestado naman ang dalawang suspek at kasalukuyang nasa kustodiya na ng PNP Maritime Group. Habang ang mga nakumpiskang produkto at kagamitan ay ipapasa sa Bureau of Customs para sa kaukulang proseso.
Iginiit ng PNP Maritime Group na ang matagumpay na operasyong ito ay patunay ng kanilang dedikasyon sa pagsugpo ng smuggling at pagpapanatili ng seguridad sa maritime borders ng bansa sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng mga maritime laws.| ulat ni Diane Lear