Iginiit ni Department of National Defense Sec. Gilberto Teodoro Jr. ang kahalagahan ng pagpapakalat ng tamang impormasyon sa panahon ng sakuna.
Ito ang binigyang diin ng Kalihim sa kaniyang talumpati sa sa pagpapatuloy ng Asia-Pacific Ministerial Conference on Disaster Risk Reduction ngayong araw.
Ayon kay Teodoro, disinformation aniya ang dahilan kaya’t marami ang napapahamak at napahihina nito ang abilidad ng publiko na makapagpasya ng tama sa panahon ng krisis.
Subalit ngayon na marami na ang nag-uulat ng tamang impormasyon, kapansin-pansin ayon sa Kalihim ang pagbaba ng bilang ng mga nasasawi at nasasaktan tuwing may tumatatamang kalamidad sa bansa.
Kasunod nito, nanawagan si Teodoro sa media na itaas ang lebel ng kamalayan ng publiko at masagip ang maraming kababayan mula sa maling paniniwala. | ulat ni Jaymark Dagala