Finance Chief, di pabor sa panukalang “wealth tax”

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hindi pabor si Finance Secretary Ralph Recto na magpataw ng “wealth tax” sa ngayon sa bansa.

Ginawa ni Recto ang pahayag kasunod ng panukala ng Freedom Form Debt Coalition na isulong ang wealth tax sa mga indibidwal na may yamang higit P300 million.

Sa isang panayam sinabi ni Recto, na sa ngayon marami ng wealth tax na ipinatutupad halimbawa ang real property tax at building tax.

Bagaman aniya pag-aaralan niya ang panukala, ang pagsusulong ng wealth tax ay “counter productive”.

Halimbawa aniya kung ang isang mayaman ay bibili ng mas maraming property ay mas marami ding buwis ang kanyang babayaran.

Hindi aniya makatwiran na patawan pa ng buwis ang mga Pilipino na nagsisipag magtrabaho.

Una nang sinabi ng kalihim nang umupo ito sa tungukulin bilang Department of Finance (DOF) secretary, na hindi siya magpapataw ng bagong buwis sa ngayon.

Upang matugunan aniya ang budget deficit, doble kayod ang revenue generating agencies upang makamit ang kanilang target collection. | ulat ni Melany Valdoz Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us