Maynilad, tuloy ang pamamahagi ng drinking fountain units sa LGUs at public school

Facebook
Twitter
LinkedIn

Magtutuloy-tuloy na ang pamamahagi ng Maynilad Water Services ng refrigerated drinking fountain units sa mga local government unit (LGU) at mga paaralan sa kanilang concession area ngayong taon.

Ito ang commitment ng water company para isulong ang pampublikong kalusugan at sanitasyon.

Nilalayon ng inisyatibang ito na pahusayin ang access sa malinis na inuming tubig sa public places, at mapalakas ang pagsisikap ng Maynilad na suportahan ang kalinisan ng mga paaralan at komunidad na higit na nangangailangan nito.

Pinakahuling binigyan ng 85 drinking fountains ang ilang LGUs at public schools kabilang ang Valenzuela City.

Nakapag install na rin ng inisyal na 33 drinking fountains sa mga paaralan sa Quezon City, at karagdagang 44 units pa sa mga susunod na buwan.

Kasama din sa mabibigyan ng drinking fountains ang Caloocan, Valenzuela, at Las Piñas LGUs. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us