Plano na ring magtayo ng housing project ang Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).
Ayon kay DHSUD Assistant Secretary Rosve Henson, may on-going nang pag-uusap ang ahensya kay PUP President Manuel Muhi para sa posibleng pabahay project.
Una nilang tinalakay ang mga kinakailangang requirement sa ilalim ng Pambansang Pabahay para sa Pilipino (4PH) Program ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
Iprinisinta naman ng PUP team ang mga bakanteng lupain sa kanilang campus na ikinukonsidera bilang housing sites.
Ang itatayong pabahay ay ilalaan para sa mga empleyado at manggagawa ng PUP na wala pang sariling tahanan. | ulat ni Rey Ferrer