Higit 47,000 examinees, pumasa sa August Career Service Exam — CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inanunsyo ng Civil Service Commission ( CSC) na umabot sa 47,449 examinees ang matagumpay na nakapasa sa August 2024 Career Service Examination – Pen and Paper Test (CSE-PPT).

Ayon sa CSC, mula sa 296,758 na kumuha ng CSE Professional Level, 42,812 ang nakapasa o katumbas ng 14.43%, habang 4,637 din ang nakapasa mula sa 32,707 na kumuha ng Subprofessional Level.

Naitala naman sa National Capital Region (NCR) ang may pinakamataas na passing rate na umabot sa 18.96%, o katumbas ng 8,242 examinees.

Sinundan ito ng Region III at CALABARZON Region.

Makikita ang resulta ng CSC Exam portal na nakapaskil sa kanilang official website na www.csc.gov.ph. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us