Kasunod ng monetary policy meeting ng Monetary Board.
Epektibo bukas, ipatutupad ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pagtapyas ng 25 basis point to 6 percent na Target Reverse Repurchase Rate (RRP)
Binawasan din ng Monetary Board ang interest rate sa overnight deposit ng 5.5 percent habang 6.5 percent naman sa lending facilities.
Sa press conference, sinabi ni BSP Gov. Eli Remolona, na ang desisyon ng monetary board ay ibinase sa assessment ng price pressures na sa ngayon ay nananatiling manageable at ang pagbaba ng inflation outturn ng Setyembre na nasa 1.9 percent.
Unang nagbawas ng interest rate ang BSP noong Agosto.
Magdudulot ito ng pinalakas na bank lending, purchasing power sa mga consumer, at kumpiyansa ng investors. | ulat ni Melany Valdoz Reyes