Binigyan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ng arrival honors si Vice Admiral Toribio Adaci Jr., Flag Officer in Command ng Philippine Navy, sa kanyang pagbisita kay AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ngayong araw.
Ang pagbisitang ito ay bahagi ng exit call ni Vice Admiral Adaci bago ang kanyang nalalapit na pagreretiro sa Nobyembre, matapos ang 39 na taon ng serbisyo sa bansa.
Si Vice Admiral Adaci ay kabilang sa Philippine Military Academy “Makatao” Class of 1989 at nagsilbi sa iba’t ibang mataas na posisyon, kabilang ang Naval Forces Western Mindanao, Naval Installation Command, at Fleet-Marine Ready Force.
Sa kanyang karera, kinilala siya sa kanyang malawak na kontribusyon sa pagpapalakas ng kakayahan ng Hukbong Dagat ng Pilipinas at sa pagtugon sa mga hamon sa seguridad, lalo na sa rehiyon ng Mindanao.| ulat ni Diane Lear