Epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura, pinaghahandaan na sa Zamboanga City

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahandaan na ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa pamamagitan ng City Agriculturist Office ang posibleng epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura.

Ito ay kasunod ng naging abiso ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA)-Zamboanga sa lokal na pamahalaan ukol sa mataas na tiyansa na papasok ang matinding tagtuyot sa mga susunod na buwan.

Iniulat ni City Agriculturist Carmencita Sanchez na nagsimula na sila sa kanilang information drive, farming classes, at pagpupulong kasama ang mga magsasaka upang pag-usapan ang negatibong epekto ng El Niño sa sektor ng agrikultura at maging sa mga Zamboangeño sa food production.

Bahagi aniya ng kanilang paghahanda ay ang pagpapatupad ng water rationing sa irrigation canals at pagsasagawa ng orientation ukol sa credit policy at crop insurance, planting date, at iba pa.

Matatandaang noong nakaraang linggo nang iulat ng PAGASA-Zamboanga na inaasahang magsisimula ang El Niño sa bansa simula Hunyo hanggang Agosto at posibleng magtatagal hanggang sa unang quarter ng 2024. | ulat ni Shirly Espino | RP1 Zamboanga

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us