Nakatakdang mamahagi ng tulong pinansyal ang Department of Migrant Workers (DMW) sa mga Pilipinong naapektuhan ng entry ban sa bansang Kuwait.
Ayon kay Migrant Workers Secretary Susan Ople, aabot sa 815 na overseas Filipino workers (OFWs) na hindi natuloy sa kanilang work deployment sa Kuwait ang nakatakdang mabigyan ng DMW ng financial assistance na aabot sa P30,000.
Dagdag pa ni Ople, sa naturang bilang, 515 sa mga ito ay pawang domestic workers ang magiging trabaho habang ang iba sa mga ito ay napabilang sa services sector, mall vendors at nasa medical services.
Umaasa naman si Ople na maayos sa susunod na panahon ng pamahalaan ang entry ban sa naturang bansa upang patuloy na maghatid ng tulong sa OFWs na naapektuhan. | ulat ni AJ Ignacio