Ikinatuwa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagkikita at batian nila kahapon ni dating Vice President Leni Robredo.
Pahayag ito ng pangulo, makaraang makamayan ang dating bise presidente, sa inagurasyon ng Sorsogon Sports Complex kahapon.
Kung matatandaan, imbitihan ni Senate President Chiz Escudero si Robredo na pangunahan ang pag-welcome kay Pangulong Marcos sa Sorsogon.
Sa ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Act sa Malacañang ngayong araw (October 18), ginamit ng pangulo ang pagkaktaon upang pasalamatan ang senador sa inisyatibong ito.
Ang pagkikita kahapon kasama ang dating bise presidente ay itinuturing ni Pangulong Marcos na political reconciliation, at ikinalulugod aniya niya na ginawa ng senate president ang inisyatibong ito para sa pagkikitang ito.
“Senate President Chiz Escudero, who has taken a very important step towards political reconciliation yesterday. Well done. I’m so happy you did that.” -Pangulong Marcos. | ulat ni Racquel Bayan