Pagkikita ni PBBM at dating VP Leni, patotoo sa mensahe ng Pangulo na pagkakaisa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Para kay Speaker Martin Romualdez, isang pagsasabuhay ng mensahe ng pagkakaisa ang ipinakitang magandang pakikitungo sa isa’t isa ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at dating Vice President Leni Robredo nang sila ay magkita sa pagpapasinaya ng Sorsogon Sports Complex, kahapon.

Ayon kay Romualdez, noon pa man ang mensahe ng Presidente sa bawat Pilipino ay magkaisa at magkasundo.

“It’s been our president’s message to the country that we always must unite. That the Filipino’s should always be as one. So that’s just a reiteration of a message that has reached throughout the Philippines. [It’s] all about, reuniting, reconciling and being one.” sabi ng House Speaker sa isang panayam.

Inimbitahan ni Senate President Chiz Escudero si Robredo na pangunahan ang pagsalubong kay Pangulong Marcos sa Sorsogon, kung saan nagkamayan pa ang dalawa.

Una naman nang sinabi ng Pangulong Marcos na itinuturing niya ang tagpong ito bilang isang political reconciliation.

Pinasalamatan din niya si Escudero sa kaniyang ginawa. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us