Pamahalaan, umaapela sa mga tsuper at kooperatiba na nais pang humabol sa franchise consolidation application na samantalahin na ang muling pagbubukas nito

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaapela ang pamahalaan sa mga tsuper at PUV operators na samantalahin na ang muling pagbubukas ng aplikasyon para sa franchise consolidation ng mga ito.

Mayroon pa rin itong kaugnayan sa PUV Modernization Program ng pamahalaan.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni Transportation Asec. Andy Ortega na may 45 araw ang mga ito na sumali sa mga existing na kooperatiba.

Sabi ng opisyal, ang ekstensyon na ito ay bunga ng mga pag-uusap at pakinig ng Department of Transportation (DOTr) sa mga panawagan para sa ikatatagumpay pa ng programa.

Ngayong araw, napirmahan na ang memorandum para dito at nakatakda na ring ipalabas.

“Lahat ng mga hindi pa nag-consolidate, hindi na sila puwedeng bumuo ng isang korporasyon or kooperatiba dahil tapos na po iyong deadline ngunit sila ay puwedeng sumama, sumanib doon sa mga nauna nang nag-consolidate. Ito po ay good for the next 45 days, mayroon po silang pag-asang makasali sa mga kooperatiba po.” —Ortega. | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us