PBBM: Edukasyon, pinakamahalagang pamana na iiwan ng administrasyon sa mga kabataan

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binigyang diin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na ang edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maibibigay para sa mga kabataan at sa susunod pang henerasyon ng mga Pilipino.

Pahayag ito ng Pangulo sa ceremonial signing ng Academic Recovery and Accessible Learning (ARAL) Program Act sa Malacañang, ngayong araw (October 18). Ito ang batas na layong isailalim sa tutoring session ang mga mag-aaral, na hirap sa pagbabasa, mathematics, science, at iba pang aspeto sa pag-aaral.

“By honing their essential learning competencies, we can equip our students with the foundational skills required to become visionaries, critical thinkers, problem solvers—qualities essential to the progress of our nation in this modern world,” -Pangulong Marcos Jr.
 
Sabi ng Pangulo, ang implementasyon ng batas na ito ay nagbibigay prayoridad lamang sa mga intervention na gagawin pa ng gobyerno, upang tugunan ang mga kasalukuyang hamon na hinaharap ng education sector.

“Bilang ama, edukasyon ang pinakamahalagang pamana na maaari naming iwanan sa inyo. Walang materyal na bagay na makakatumbas sa halaga ng edukasyon. Ito ang huhubog sa inyong kakayahang harapin ang anumang hamon ng buhay at makapaglingkod nang tapat sa ating bansa,” -Pangulong Marcos.
 
Kaugnay nito, nanawagan ang Pangulo ng pagtutulungan mula sa mga guro, mga magulang, LGUs, National Government Agencies, at maging sa pribadong sektor na gawin ang kanilang bahagi para sa ikatatagumpay ng programa.

“Through our integrated efforts, we can create a future where no learner is left behind, and every Filipino child can flourish is an increasingly complex world,” -Pangulong Marcos. I ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us