Puspusan na ang ginagawang paghahanda ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) para sa paparating na Undas 2024.
Sa pulong balitaan sa Pasig City kasama ang iba’t ibang kinatawan ng lokal na pamahalaan at Philippine National Police (PNP), sinabi ni MMDA Chairperson Atty. Don Artes, na mahigit 1,200 na mga tauhan ng ahensya ang ipakakalat sa iba’t ibang sementeryo para umalalay sa trapiko.
Ayon kay Chairperson Artes, magpapatupad din ng ‘no leave, at no absent policy’ ang ahensya simula sa October 27 hanggang November 4.
Dagdag pa ng opisyal, magtatayo rin ng command post, assistance desk, at medical stations sa mga sementeryo at bus terminals.
Inaasahan din ang presensya ng PNP at lokal na pamahalaan sa mga sementeryo, para matiyak ang kaayusan at seguridad ng publiko na dadagsa sa mga sementeryo sa Undas 2024. | ulat ni Diane Lear