Umabot na sa 5,835 ang bilang ng mga kaso ng leptospirosis mula January 1 hanggang October 5.
Ayon sa Department of Health, 16% na pagtaas mula sa 5,050 cases ang naiulat sa parehong panahon noong nakaraang taon.
Ayon pa sa DOH, tumaas ang kaso sa lahat ng rehiyon sa nakalipas na tatlo hanggang apat na linggo base sa pinakahuling tala nitong October 5 maliban sa Central Visayas, Northern Mindanao, Soccsksargen at Caraga.
Bagaman mayroong 509 na naiulat na mga namatay dulot ng leptospirosis sa kasalukuyan, ito ay 11% na mas mababa kaysa sa 570 na naitalang bilang ng pagkamatay sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.
Pinapayuhan ang publiko na iwasan ang paglusong sa baha, magsuot ng protective gear kung kinakailangang maglakad sa baha at hugasan ang parte ng katawan na na-expose sa baha dahil patuloy pa ring inaasahan ang mga pag-ulan sa bansa. | ulat ni Jollie Mar Acuyong | RP3 Alert