Halos 9,116 pamilya mula sa Bicol Region ang nakinabang sa Walang Gutom Program (WGP) ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang mga benepisyaryong ito ayon kay DSWD Field Office 5 – Bicol Region WGP Coordinator Sherryl Lofamia ay nagmula sa mga lalawigan ng Sorsogon at Camarines Sur.
Nakatanggap sila ng electronic benefit transfer (EBT) cards mula Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.
Paliwanag ni Lofamia, ang P3,000 food credits na laman ng EBT cards para sa mga household-beneficiaries ay maaaring gamitin pambili ng mga high-nutrition food items mula sa mga partner beneficiaries ng DSWD
Kinakailangang bumili ng 50% ng kanilang credit load ang mga recipients para sa carbohydrates, 30% para sa protein, at 20% naman para sa fiber-rich foods. | ulat ni Rey Ferrer