Hinimok ni Department of Human Settlements and Urban Development (DHSUD) Secretary Jose Rizalino Acuzar ang mga miyembro ng Chamber of Real Estate Builders’ Association Inc. (CREBA) na palakasin pa ang kanilang suporta sa Pambansang Pabahay para sa Pilipino Program ng pamahalaan.
Ginawa ni Acuzar ang panawagan sa ginanap na Taunang Pambansang Kombensiyon ng CREBA sa Clark, Pampanga.
Sinabi ni Acuzar, ang mga partner-developer ay nahaharap sa mga hamon sa pagpapatupad ng 4PH Program ngunit nanatiling determinado na gumawa ng mas maraming housing units.
Pinuri rin ng kalihim ang CREBA dahil sa pagsisikap na tulungan ang administrasyon para makamit ang layunin na matugunan ang pangangailangan sa pabahay ng mga Pilipino.
Tiniyak pa ng kalihim ang suporta sa mga inisyatiba ng CREBA sa pagpapakilos sa mga miyembro nito tungo sa paggawa ng pagbabago sa sektor ng pabahay at pag-unlad ng lungsod ng bansa. | ulat ni Rey Ferrer