Sumailalim ang mga kawani ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Small Vessel Defensive Tactics Training 2024 kasama ang Estados Unidos na layuning palakasin ang kanilang kakayahan sa pagharap sa mga non-compliant vessel sa karagatan.
Isinagawa ang nasabing pagsasanay mula Oktubre 1 hanggang 18, kung saan sinanay ang Coast Guard sa mga tactical exercises, pag-promote ng kooperasyon, at best practices para sa epektibong pakikipag-ugnayan.
Pinangunahan ng United States Special Operations Task Force ang naganap na pagsasanay, kung saan lumahok ang mga tauhan mula sa iba’t ibang istasyon ng PCG sa Palawan.| ulat ni EJ Lazaro