Nakumpleto na ng Maynilad Water Services, Inc. ang pagpapalit ng 19.69 kilometers ng luma at undersized pipes sa North Caloocan City.
Kasama sa Php191-million na proyekto ang pagpapalit ng 23-year old pipes sa Barangay Bagong Silang.
Umaasa ang Maynilad na makakapagdala na ng mas maraming tubig ang malalaking diameter na tubo at matugunan ang tumaas na pangangailangan mula sa lumalaking populasyon ng lungsod.
Inaasahang ganap na makomisyon ngayong buwan ng Oktubre ang mga bagong pipeline na magpapalakas ng presyon ng tubig para sa humigit-kumulang 38,000 customer sa lugar.
Dahil din sa pipe replacement project, marerekober ng Maynilad ang tinatayang 5 MLD (million liters per day) ng potable water na nasayang dahil sa mga tagas sa tubo.| ulat ni Rey Ferrer