Minumungkahi ni Senadora Loren Legarda na bumalangkas ng module para sa mga paaralan patungkol sa disaster risk reduction at climate chage adaptation.
Ayon kay Legarda, mahalagang maaga pa lang ay namumulat na ang mga kabataan sa naturang isyu nang makatulong sila sa pagbawas sa epekto ng climate change.
Suhestiyon ng senadora, magtulungan ang Department of Education (DepEd), ang Department of Environment and Natural Resources (DENR) at ang Climate Change Commission sa pagbuo ng pinapanukala niyang module.
Pwede rin aniyang maging bahagi ng curriculum sa mga eskwelahan ang module at maisama sa paksang Araling Panlipunan.
Naiparating na aniya ng mambabatas ang suhestiyon niyang ito kay Education Secretary Sonny Angara nang makipagpulong kasama si UN Office for Disaster Risk Reduction head Kamal Kishore.
Ang rekomendasyon ay kahanay din ng ipinatutupad na Environmental Awareness and Education law na nagmamandato ng pagpapalaganap ng environmental awareness sa pamamagitan ng pagsasama ng environmental education sa school curriculum sa lahat ng level.| ulat ni Nimfa Asuncion