Abot sa kabuuang 6,970 residente ng Quezon City ang natulungan ng Quezon City Police District sa isinagawang Community Engagement Activities mula Oktubre 11-17, 2024.
Ayon kay QCPD Acting District Director Police Colonel Melecio Buslig Jr., matagumpay na naisagawa ang 86 community engagement activities sa tulong ng mga stakeholder at advocacy support groups.
Nais ng QCPD na palakasin ang ugnayan ng komunidad at itaguyod ang kaligtasan ng publiko.
Kasama sa mga aktibidad ang isang serye ng educational lectures sa mahahalagang paksa tulad ng Community Anti-Terrorism Awareness, ang Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) Program para sa drug awareness, crime prevention safety tips.
Bukod pa dito ang iba’t ibang batas na nakatuon sa proteksyon sa mga mamamayan, kabilang ang Safe Spaces Act, Anti-
Bullying Act, at mga probisyon laban sa karahasan sa kababaihan at mga bata.
Bilang karagdagan sa mga sesyon na nagbibigay-
kaalaman, nakinabang ang mga kalahok mula sa mga dental mission, tree planting activity at livelihood programs, medical missions at iba pa.
Namahagi din ang QCPD ng mga food packs, hot meals at informational materials upang mapahusay ang kamalayan at pakikipag-ugnayan sa komunidad.| ulat ni Rey Ferrer