Pinangunahan ni Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Enrique Manalo ang delegasyon ng Pilipinas sa 8th Philippines-Malaysia Joint Commission Meeting (JCM) sa Kuala Lumpur kung saan tinalakay ang iba’t ibang pangunahing isyu.
Ilan sa mga isyu na tinalakay sa JCM ay mga usapin ukol sa depensa, pagpapatupad ng batas, cultural exchanges, at kooperasyong pang-ekonomiya.
Ito ang kauna-unahang JCM na isinagawa magmula noong 2011 at kasabay ng pagdiriwang ng ika-60 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Pilipinas at Malaysia.
Kasama sa nasabing pulong ni Sec. Manalo si Malaysian Foreign Minister na si Dato’ Seri Utama Haji Mohamad bin Haji Hasan para sa delegasyon ng Malaysia.
Nakipagkita rin si Secretary Manalo kay Prime Minister Anwar Ibrahim at binati ito para sa nalalapit na pagiging tagapangulo ng Malaysia sa 2025 ASEAN.| ulat ni EJ Lazaro