Nagnegatibo na sa paralytic shellfish poison o toxic red tide ang tatlong baybaying dagat sa Visayas Region.
Batay ito sa pinakahuling resulta ng laboratory examintation ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.
Ayon sa BFAR, maaari nang maghango at kainin ang mga lamang dagat na makukuha sa Maqueda at Cambatutay Bays sa Samar at Matarinao Bay sa Eastern Samar.
Bukod dito nanatili ding ligtas sa banta ng toxic red tide ang mga baybayin na nakapalibot sa Manila Bay.
Kinabibilangan ito ng Coastal Waters ng Cavite, Las Piñas, Parañaque, Navotas, Bataan at Bulacan.
Kaugnay nito, nanatili pa rin ang bagsik ng toxic red tide sa Dumanguilas Bay sa Zamboanga del Sur, Coastal Water ng Darram Island, Zumarraga Island, Irong-Irong Bay, Cariraga Bay sa Leyte, Biliran Island, Biliran Province at Coastal Water ng Tungawan sa Zamboanga Sibugay.
Mahigpit na ipinagbabawal ng BFAR at LGUs ang paghango at pagbenta ng lahat ng uri ng lamang dagat maliban sa mga isda, pusit at alimango na ligtas namang kainin.| ulat ni Rey Ferrer