Nagpaabot ng pagbati si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kay Indonesian President Prabowo Subianto, kasunod ng opisyal na panunumpa sa pwesto bilang ikawalong Pangulo ng Indonesia, na sinaksihan mismo nina Pangulong Marcos at First Lady Liza Araneta – Marcos, ngayong araw (October 20).
Binati rin ng Pangulo si Indonesian Vice President Gibran Rakabuming Raka.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na bilang miyembro ng ASEAN, ang Indonesia ay isa sa mga matagal nang kabalikat ng Pilipinas.
Isa rin ito sa pinakamalalapit na kaibigan ng bansa sa rehiyon.
“I congratulate President Prabowo Subianto and Vice President Gibran Rakabuming Raka on their inauguration in Jakarta today. As a fellow founding member of the ASEAN, Indonesia is one of the Philippines’ long standing partners and closest friends in the region.” —Pangulong Marcos.
Pagsisiguro ng Pangulo, isusulong ng Pilipinas ang pagpapatatag pa ng relasyon ng Jakarta at Maynila, kasabay na rin ng ika-75 diplomatic relations ng dalawang bansa, sa Nobyembre.
“I reaffirm our nation’s desire to further strengthen our bilateral ties with Indonesia on this momentous occasion and in lieu of our diplomatic relations’ 75th anniversary in November.” —Pangulong Marcos.| ulat ni Racquel Bayan