Simula bukas, isasara sa mga motorista ang ilang bahagi ng North Luzon Expressway para bigyang daan ang gantry installation works.
Sa abiso ng NLEX Corporation,apektado ng closure ang 100 meter lane ng Balagtas Northbound Lane 1 bago ang NLEX Tabang Exit Ramp.
Sisimulan ang pagsasara sa daan ng alas-9:00 ng umaga, Oktubre 21 hanggang alas-5:00 ng hapon.
Mauulit ito tuwing alas-8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng hapon hanggang matapos sa Oktubre 24.
Isasara din mula alas 8:00 ng gabi, Oktubre 23 hanggang alas-5:00 ng hapon ng Oktubre 24 ang lane 1 ng Mapulang Lupa Southbound Area sa Valenzuela bago ang NLEX Harbor Interchange.
May isasagawa ding gantry installation works sa bahagi ng NLEX Bugallon Bridge Area sa Valenzuela sa Oktubre 21, alas-9:00 ng umaga hanggang alas-5:00 ng hapon ng Oktubre 22. | ulat ni Rey Ferrer