Labinlimang ospital na malapit sa malalaking sementeryo sa Metro Manila ang itinalaga ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) bilang mga evacuation center sa UNDAS.
Ayon sa MMDA, ang mga ospital ng Jose Reyes Memorial Medical Center, San Lazaro Hospital, Ospital ng Tondo, Chinese General Hospital, St. Jude Hospital, at Mary Johnston Hospital ang itinalaga sa Manila North Cemetery.
Habang ang Ospital ng Makati, Makati Medical Center at St. Lukes Medical Center ang itinalaga para sa Manila South Cemetery.
Ang Quirino Memorial Medical Center at Amang Rodrigues na malapit sa Loyola Memorial Park ang itinalaga naman para dito.
Samantala ang Medical Center Paranaque City, Ospital ng Muntinlupa, Alabang Medical Center at St. Rita Hospital ang para sa Manila Memorial Park
Pagtitiyak pa ng MMDA na nakahanda ang mga nabanggit na ospital sakaling magkaroon ng mga untoward incident sa mga sementeryo sa panahon ng undas. | ulat ni Rey Ferrer