Heightened Alert, itataas ng Philippine Coast Guard simula Oct. 31 hanggang Nov. 5 kaugnay sa paggunita ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Pinaghahanda na ng Philippine Coast Guard ( PCG) ang lahat ng mga stations at sub-stations nito sa pagdagsa ng mga pasahero ngayong Undas.

Sa derektiba ni PCG Admiral Ronnie Gil Gavan, itataas ang kanilang alerto simula October 31 hanggang November 5.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasahero gamit ang iba’t ibang uri ng transportasyon.

Paalala naman ng PCG sa mga pasahero, asahan na ang mas mahigpit na seguridad sa mga pantalan, paliparan, at terminal sa mga susunod na araw.

Nais lamang daw ng PCG na matiyak ang seguridad ng publiko na bibyahe ngayong Undas. | ulat ni Mike Rogas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us