Pamahalaan, muliing iginiit ang pagdepensa sa karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nananatiling committed ang gobyerno sa pagprotekta sa sovereign rights ng bansa sa West Philippine Sea.

Ito ang binigyang diin ni Speaker Martin Romualdez sa pagbubukas ng “War of Our Fathers-A Brotherhood of Heroes,” exhibit ng Philippine Veterans Bank bilang pagpupugay sa World War 2 Veterans kasabay ng ika-80 anibersaryo ng Leyte Landings.

Aniya, bagong hamon ang kinakaharap ng bansa na banta sa integridad ng ating teritoryo at hindi pagkilala sa international laws.

“Today, we face a new battlefield. Our enemy is no longer a foreign invader but the threats to our territorial integrity, the undermining of international laws, and the growing tensions in the West Philippine Sea,” sabi ni Romualdez.

Kaya naman gaya ng pakikipaglaban ng ating mga ninuno noon, katuwang ang mga kaalyado–pinapalakas ng Pilipinas ang pakikipag-alyansa nito sa ibang mga bansa na kinikilala at iginagalang ang prinsipyo ng kalayaan at demokrasya.

“This is a new war – a war for peace, stability, and the preservation of our way of life. We are committed to protecting our sovereign rights, ensuring that the future generations will live in a free and secure Philippines,” dagdag niya.

Bilang opisyal ng gobyerno, kaisa siya sa pagprotekta ng ating soberanya at pagsusulong sa payapang resolusyon ng mga alitan salig sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).

“We continue to advocate for the peaceful resolution of disputes, guided by the principles enshrined in the United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS). We honor the legacy of our veterans by ensuring that our nation’s sovereignty is respected, especially in the West Philippine Sea,” sabi pa niya.

Paalala pa ng lider ng Kamara na ang pagdepensa sa ating karapatan at teritoryo ay paglaban para sa kinabukasan ng bawat Pilipino.

“Ang laban na ito ay hindi lang tungkol sa teritoryo. Ito ay laban din para sa ating karapatan, para sa kapayapaan, at para sa kinabukasan ng bawat Pilipino. Ipinaglalaban natin ang mga prinsipyong itinaguyod ng ating mga bayani—karapatan, kalayaan, at katarungan,” diin niya. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us