Umakyat ang bilang ng mga lalawigang nasa ilalim na ng Tropical Cyclone Wind Signal no. 1 bunsod ng bagyong Kristine.
Kabilang dito ang:
Luzon
Catanduanes, Masbate kabilang ang Ticao Island at Burias Island, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, at eastern portion ng Quezon (Tagkawayan, Guinayangan, Buenavista, San Narciso, San Andres)
Visayas
Eastern Samar, Northern Samar, Samar, Leyte, Biliran, at Southern Leyte
Mindanao
Dinagat Islands at Surigao del Norte kabilang ang Siargao – Bucas Grande Group
Batay naman sa 11am weather report ng PAGASA, napanatili pa rin ng bagyo ang lakas nito habang patuloy na kumikilos pakanluran, timog kanluran sa Philippine Sea.
Huli itong namataan sa layong 870 km silangan ng Eastern Visayas, taglay ang lakas ng hanging aabot sa 55 kph malapit sa gitna at pagbugsong 70 kph.
Inaasahang lalakas pa ang bagyong Kristine at magiging typhoon category bago mag-landfall sa Northern Luzon ng hapon ng Biyernes. | ulat ni Merry Ann Bastasa