Dalawang dependent ng namatay na OFW sa Tawi-Tawi ang tumanggap ng livelihood assistance na nagkakahalaga ng 15,000 piso.
Ito ay mula sa Education and Livelihood Assistance Program (ELAP) ng tanggapan ng Overseas Workers Welfare Administration, kung saan ang pamilyang naiwan ng OFW ay maaaring maging benepisyaryo.
Ayon kay Omran A. Indasan, OWWA Family Welfare Officer sa lalawigan, ang pamilyang naiwan ng namatay na OFW ay maaaring maging benepisyaryo ng education o livelihood assistance.
Ayon sa kaniya, kasalukuyang dalawa ang tumanggap ng livelihood assistance at inaasahang dalawa rin ang susunod na makakakuha ng kaparehong assistance matapos makumpleto ang kanilang mga papeles. | ulat ni Laila Sharee Nami | RP1 Tawi-Tawi