Kasunod ng pinalawak na operasyon kontra sa mga puslit na vape ay iniulat ngayon ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na malaking bilang na agad ng retailers ang nahuli nitong nagbebenta ng mga vape na walang tax stamp.
Ayon kay Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Romeo D. Lumagui Jr., mula nang iutos nito ang nationwide raid noong Oct. 16 ay aabot na sa 408 vape retailers na nahuling nagbebenta ng iligal na vape products.
Karamihan sa mga naraid ay mula sa Bulacan, Manila City, Quezon City, San Juan City, Makati City, Las Pinas City , Pangasinan, Benguet, Isabela, Laguna, La Union, Pasay City, Albay, Iloilo, Cebu, Bohol, Leyte, Bukidnon, Misamis Oriental, Surigao del Norte, Butuan, Agusan del Sur, South Cotabato, Davao, Negros Occidental, Negros Oriental, at Ilocos Sur.
Kabilang sa mga violation na natukoy sa mga retailer ang kawalan ng revenue stamps at BIR registration para sa binebentang vape products.
Una nang iginiit ni Comm. Lumagui Jr. na hindi magkaroon ng vape smuggler sa bansa kung walang tumatangkilik na vape retailer/reseller. | ulat ni Merry Ann Bastasa