Sinisimulan na ng Malabon City Local Government ang libreng cremation sa Tugatog Public Cemetery bago ang Undas sa November 1.
Ayon kay Mayor Jeannie Sandoval, walang babayaran ang mga kaanak ng yumao maliban sa makipag ugnayan lang sa pamahalaang lungsod.
Ngayong Undas, bubuksan na ang burial site sa public cemetery na pansamantalang isinara noong noong 2021 dahil sa pagsasaayos .
Titiyakin ng LGU na ligtas, malinis, at kaaya-aya ang lugar upang maayos na makapagdasal ang mga taga Malabon sa kanilang mga mahal sa buhay na nakahimlay dito.
Nauna rito, namahagi ang LGU ng consent forms sa mga pamilyang gustong maka-avail ng libreng cremation ng mga labi ng kanilang mga yumaong kaanak sa sementeryo.
Nagbigay din ng opsyon sa ibang pamilya kabilang ang paglipat ng mga buto sa Ossuary ng Public Cemetery o sa iba pang mga sementeryo o columbaria, habang ang redevelopment ng Tugatog Cemetery ay nagpapatuloy.
Kailangang makipag ugnayan na rin ang pamilya ng may 500 nakalibing sa sementeryo para maka avail ng libreng cremation package na kinabibilangan ng urn, bulaklak, kandila, bulaklak, pagdadala ng mga labi sa crematorium at iba pang bayad sa sementeryo.
Noong sabado ,pinangunahan ni Mayor Sandoval ang muling pagbukas at pagbabasbas ng Tugatog Public Cemetery bilang paghahanda sa Undas. | ulat ni Rey Ferrer