Matagumpay na naisakatuparan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang re-engagement activities sa 1,400 Moro Islamic Liberation Front decommissioned combatants sa Davao Region.
Ayon sa DSWD, naisagawa ito sa pamamagitan ng ‘Kamustahan’ validation and assessment.
Ayon kay DSWD Inclusive-Sustainable Peace and Special Concerns (ISPSC) Undersecretary Alan Tanjusay, ang aktibidad ay pinasimulan mula Oktubre 7 hanggang a- 11.
Isinagawa ang house-to-house visits ng ISPSC para i-monitor ang mga decommissioned combatants para sa kanilang reintegration sa komunidad at pamilya.
Isinagawa ito sa Davao Oriental, Davao de Oro, Davao Occidental, Davao del Norte, Davao del Sur, at Davao City.
Sa katatapos na aktibidad, nakapagtala ang DSWD ng 12,000 decommissioned combatants na kanilang tinulungan para sa integration.
Kabilang sila sa 26,145 decommissioned at dumaan na sa tatlong phases ng decommissioning process mula Hunyo 2015, Agosto 2019 hanggang Hulyo 2024, at mula Nobyembre 2021 hanggang Hulyo 2024.| ulat ni Rey Ferrer