Rep. Robert Ace Barbers, iginiit na kinikilala pa rin ang tagumpay ng war on drugs ng nakaraang adminsitrasyon

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tugon ito ng mambabatas sa tanong ni Senador Bato dela Rosa kung ano ang nangyari at tila hindi na kinikilala ni Barbers ang war on drugs na dati ay kaniya namang pinapapurihan.

Giit ni Barbers, nananatili ang kaniyang pagkilala at papuri sa ipinatupad na giyera kontra iligal na droga ng Duterte administration.

Kabilang sa mga tagumpay aniya na maipagmamalaki ay ang pagkakabuwag ng nasa 30 hanggang 40 na clandestine shabu laboratories sa buong bansa; pagkakahuli at pagpapakulong sa mga high value targets at drug lords, pagkakasabat ng tone-toneladang iligal na droga sa kalsada at ang pagkakaroon ng mga drug rehab centers.

Isa rin aniya siya sa mga pumalakpak para kay Sen. Dela rosa na noo’y PNP chief dahil sa mga tagumpay na ito.

At hanggang ngayon aniya ay kinikilala at pinagpapasalamat niya ang mga hakbang na ipinatupad ng nakaraang administrasyon para puksain ang iligal na droga.

Ang tanging hindi niya lang nagustuhan aniya ay ang lumalabas ngayong serye ng pang-aabuso ng ilan sa nagpatupad ng war on drugs na nauwi pa sa patayan.

“…hindi ako nagbago. Hanggang ngayon I still appreciate and applaud that. What I do not like and what I condemn is the killing, yung abuses na ginawa ng ibang nag-implement ng war on drugs. Yan ako nagbago… In fact, I also applauded him when he was a chief PNP because nagkaroon ng klaseng achievements. Pero para sabihin nagbago ako, hindi ako nagbago. Hanggang ngayon ganoon pa rin ang aking position dyan,” diin ni Barbers.

Bukas ipagpapatuloy ng Quad Committee ang imbestigasyon sa isyu ng extra judicial killings pati na ang nabunyag na sistema ng reward o pabuya sa mga makakapatay ng drug suspects.| ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us