Sen. Koko Pimentel, handang pangunahan ang Senate inquiry sa war on drugs ng Duterte admin

Facebook
Twitter
LinkedIn

Handa si Senate Minority Leader Koko Pimentel na pangunahan ang pagdinig tungkol sa war on drugs ng administrasyon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ibinahagi ni Pimentel, na nagkasundo sina Senate President Chiz Escudero at Senate Blue Ribbon Committee Chairperson Senator Pia Cayatano na bumuo ng subcommittee sa ilalim ng blue ribbon, at siya ang naatasang manguna dito.

Nais aniya ni Pimentel na maging maayos at mabilis lang ang gagawin nilang imbestigasyon.

Kaya naman ngayon pa lang ay pinag aaralan na aniya ng kanyang opisina kung sino-sino ang mga ipapatawag sa pagdinig, kabilang na dito si dating Police Colonel Royina Garma.

Iimbitahan lang aniya si dating Pangulong Rodrigo Duterte kapag nabanggit ang pangalan nito sa pagdinig.

Ipinaliwanag ng minority leader, na ayaw niya kasing automatic na mailagay sa records ng senado ang mga lumabas sa pagdinig ng Kamara, kaya balak nilang simulan ang pag iimbestiga sa simula ng administrasyong Duterte. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us